Sunday, October 16, 2011

Chapter 3: Mabigat na feeling (10/16/2011) 9:33PM

Hindi na bago sa atin bilang tao na magkaron ng mabigat na feeling sa ating sarili o sa ibang tao. Ito kasi yung feeling na parang ang hirap mag isip, mahirap mag trabaho, at mahirap kumilos at iba pa. hindi ito yung mabigat na feeling na dahil mataba ka, ang ibig kong sabihin na mabigat na feeling dito ay yung sa ating damdamin. Sa totoo lang malimit itong mangyari sa akin, malimit na biglang sasama ang mood ko bakit? Minsan pag alam kong galit sa akin ang isang tao, hindi ako mapapakali bigla na lang akong madodown, oo hindi ako nag bibiro. Ganon ako, ewan ko lang kasi ayaw na ayaw ko talagang may galit sa akin, gusto ko "all is well"

Mahirap mag isip sa tuwing ganito ang nararamdaman mo, hindi ka makapag focus, yung tipong gusto mo kausapin yung tao pero hindi mo magawa, gusto mong pigilan siya pero hindi mo magawa dahil wala ka namang karapatan. Sapagkat tao lang yan mayroon siyang karapatan na mabuhay na malaya. Malimit itong mangyari sa mga magkakaibigan yung iwanan, syempre nag sama-sama na kayo na akala ninyo ng forever na ang friendship ninyo very close pero minsan may mga pagkakataon talagang kailangan lumisan ng isa o ng iba. Maraming rason kung bakit ito nangyayari minsan isa na dito ung mabigat na feeling, hindi na niya kaya sapagkat siya ay nasasakal na, para yung feeling na nakagapos na siya na hindi na siya masyadong makalipad hindi na siya malaya.

For example, syempre "barkada" nga kayo diba syempre kung saan yung isa dun na lahat, tambay, kain at kung ano ano pa ang usually na ginagawa ng magbabarakada.

To be CONTINUED

No comments:

Post a Comment