Sunday, October 16, 2011

CHAPTER 2: Pagpapatawad (10/15/2011 10:13AM)


At ngayon nanunuod ako ng DZZM 630 pinag uusapan nila yoong issue tungkol sa pag libing kay marcos sa libingan ng mga bayani. Pinag uusapan nila ang issue na kung tama ba ang desisyon ng ating mahal na pangulo [Noynoy Aquino], kung tama ba pagkatapos ng hinaba haba ng panahon, tama ba ang kaniyang naging pasya na hindi bigyan ng full military honors si Marcos.
Kung kayo ang tatanungin ko tama ba ang kaniyang naging pasya? Sa tingin mo kung ilulugar mo ang sarili mo kay marcos ano kaya ang mararamdaman mo, ilugar mo ang sarili mo bilang asawa niya [Imelda] o ilugar mo ang sarili mo bilang kaniyang mga anak ano kaya ang mararamdaman mo? o anu pa kaya ang iyong ipaglalaban?. Kung di naman kaya ilugar mo ang sarili mo sa sapatos ng ating presidente [Noynoy], ano kaya ang uunahin mo sarili o bayan, bilang isang biktima rin ng kalupitan ng Marshall Law. O di naman kaya ilugar mo ang sarili mo bilang isang biktima ng Marshall Law,na kung saan ay araming pamilya ang nawalay, na kung saan maraming buhay ang kinitil, at maraming Human Rights Violation ang nalabag.

Bilang Marcos, sa kabilang banda siya[Marcos] ay naging isang magaling na sundalo ng Pilipinas, naging isang magaling ng estudyante, isang top notcher [unang pwesto sa lahat nang kumuha ng board exam], at hingit sa lahat pinatunayan niyang kayang kaya niyang maging isang Presidente at patakbuhin at akayin ang Pilipinas. Marahil ay hindi nyo alam maraming nagawang pagbabago sa Pilipinas si Marcos. Maraming na ipatayong infrastructure, ilan na dito ang Cultural Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Folks Art Theatre, San Juanico Bridge at irrigasyon sa kung saang lupalop ng Pilipinas. Kung sa tutuusin maraming na iambag si Marcos sa ating Bansa. Ngunit TAO LANG SIYA, nabulag sa kapangyarihan, kaya nga nag deklara ng Marshall Law sa Pilipinas. Na kung saan marami ang naparusan bawal mag salita ng taliwas sa gobyerno, at maraming buhay ang pinatay.

Bilang Pangulo, ang ating bagong Pangulong Noynoy ay biktima rin ng Marshall Law. Namatay ang kaniyang ama na magaling na Senador na si Ninoy Aquino. Dahil doon nabuhay ang pulso ng mga Pilipino na lumaban sa Gobyerno, nagkaroon ng Snap Election na dinaya, at ayun builang isang demokrasyang bansa ang mga pilipino ay lumaban, ito ang EDSA People Power 1. sabi nga “The president can forgive but the state cannot” Oo tama ito bakit? tao lang sin ang ating pangulo kaya niyang mag patawad, ang Diyos nga nagpapatawad ang ating pangulo pa kaya, pero oo nga’t ang ating pagulo at kayang magpatawad, paano naman ang bansa na naging biktima. Si Noynoy ay hindi nag dedesisyon para sa sarili niya lamang nag dedesisyon siya para sa nakararami. Bilang isang pangulo ito ang kaniyang  obligasyon sa bansa. 

TAO LANG SILA AT TAO LANG TAYO.

No comments:

Post a Comment