Sunday, October 16, 2011

Chapter 1: Ang Buhay Baw (10/11/1111:47PM)


Sa buhay natin estudyante mayroon dalawang uri kung paano ka nabuhay. Una Ang buhay santo o ang buhay na walang kang pinoproblema. Pangalawa ang buhay Rock en roll. teka ano nga ba ang mga eto? Una ang buhay santo.
Bakit ko nga ba natawag na buhay santo? ano nga ba unang pumapasok sa ating utak kapag tayo ay nakakarinig ng salitang santo? mabait, namatay para sa nakararami at dahil sa pananampalataya, nag mimilagro, O nabuhay ng walang kasalanan sa mundo. Oo iyan ang ilan naka dikit na sa pangalang santo. kaya kapag tinawah ka na isa kang santo, marahil itoy nangangahulugan na ikaw ay mabait o para kang santo na ayaw magkasala. Patang ganito: sa araw araw na gawa mo iniisip mo na makagawa ng mabuti.
Yung tipong gusto mo pakainin lahat ng batang lansangan sa tabi tabi mula fairview hangang taft, o mula Babuyan island hangang sa Sulu. Yung gusto mong gawin yung ginagawa ni KorinaSanchez, umiikot sa buong pilipinas upang makapagbigay lamang ng libreng tsinelas sa mga batang ang tsinelas ay wala ng silbi sapagkat katiting na lang ng paa ang napoprotektahan nito. Pero pwede rin namang ang buhay estudyanteng ganito ay pwede nating ihambing sa isang estudyanteng masunurin sa magulang, Mabait, at higit sa lahat wala kang masasabi tungkol sa kanila.
Gusto nilang sundin kung ano man ang sinasabi ng kanilang magulang, gusto nilang gawin ang nararapat para sila ay maging kapakipakinabang sa buhay. Gusto nilang maging Propesyunal at makapag trabaho, para matulungan at sila nanaman ang hahabi sa kanilang mga magulang siula na ang mag aalaga para sa kanila. Wala ka ring masyadong pinoproblema kung ganito ang buhay mo bakit? Magandang halimbawa nito ay sa mga proyekto. Dahil mabait ka gagawin mo na ang Prokect mo ng mas maaga, gagawa ka lang ng paraan upang matapos mo ang proyektong iyong gagawin sa mahabang oras. Mahaba ang preparasyon. wala ka rin masyadong pinoproblema sapagkat wala ka namang kaaway at wala rin amna mang aaway sa iyo.
Pangalawang buhay estudyante: Ang Buhay Rock en roll. Bakit buhay Rak enroll, pwede rin natin itong tawaging buhay “GO WITH THE FLOW” lang. Bakit Buhay Go with the flow? ikaw iyong yung estudyanteng si lang go ka lang ng go. Kahit medyo hindi mo na alam ang iyong pinaggawa gawa ka lang ng gawa.
Gawa ka lang ng gawa ng projects, assignments, at tipong ung quiz kulang na lang ay hulaan mo lahat. Rak en roll kung tawagin, dahil parang sa tuwing papasok ka sige Rak lang bahala na sa Lourd sa akin. Di mo ka masyadong na momroblema sa iyong mga grado “Basta makapasa lang, okay na ako” bata mga seventy five ka o singko na grado okay ka na. habang ung ibang mga grade concious nakakuha ng nga ng 96 na grado ee hindi pa kuntento galaiting galaiti pa sila sa nakuha nila bakit hindi nila isinagot iyon sa maling numero nila. yung habang sinasagutan daw nila ang numerong malai sila ay nasa dulo na raw ng kanilang dila ang kanilang mga sagot.

Rak en Roll ang buhay mo kung mahilig ka sa tinatawag nilang CRAMMING, sino bang college student hindi alam ang salitang ito Cramming. Rak lang kung rak Cramming lang kung cramming dahil sa cramming rak en roll. Eto yung mga araw na isang araw ka lang na gagawa ng iyong proyekto na ibinigay nineteen kopoing kopong lang ng propessor mo ngunit bago mo lang naisip ng sabihin na deadline na bukas. Ayan ayan nag sisimula na ang rak rakan type dito type dun, gawa dito gawa dun, copy paste dito coppy paste dun at higit sa lahat google dito google dun. hating gabi na at hindi pa rin natutulog kasi kailangan tapusin ang iyong proyekto. idadaan sa Kape, nakaka sampung baso ka na ng kape nanginginig na ang bu mong katawan higop pa rin ng higop ng kape para lawng maibsan ang pagkaka antok.

Kung hindi makuha sa sandamakmak na kapehan, iinom ng energy drink, Cobra redubull at iba pa. para lang maging hyper. madaling araw na di ka pa rin natutulog, hangang pumasok ka ng walang tulog. maipasa mo lang. Ngunit habang nag didiscuss ang propesor, ayan lepong tulog head bang head bang. Gagawa ng paraan para hindi magawa ng paraan para hindi mapansin at tulugan ang subject.

o diba? tama naman diba? magkaaminan na tayo?

PS: Bato Bato sa Langit tamaan wag magalit.

No comments:

Post a Comment