Ala mo yung mga taong "SILENT KILLER" kung tawagin nila? kung hindi mo pa alam abay mamatay ka na, hinid biro lang. ano ba itong tinatawag nilang o tinatawag kong silent killer.
Halimbawa, may mga kakilala ba kayong mga tao na tahimik sa eskwela hindi masyadong pa bibo, hindi masyadong gumagalaw (well not literally na hindi gumaglaw, ung tipong okay naka upo lang diyan at nakiki sama lang kung ano man ang gawin.) marami akong taong kilalang ganito, as in marami na sa tanang buhay ko sa dumaan ng halos sapung taon sa aking pagaaral, mga halos bente na yata ang nakilala ko.
Silent Killer as Top notcher, ito yung mga taong akala mo lang pero hindi, bagamat hindi masyadong nag rerecite sa klase abay, isasampal naman sa iyo ang kaniyang mga test papers sa taas ng mga grado. Yung tipong dungong dugo na lahat ng mga klasmeyt niya sa kakapiga ng kanilang mga utak, kahit anong piga na ang gawin nila sa kanila wala wala at wala pa ring nangyayari. Samantalang sila ay yun ppetiks, natapos na kaagad wala na. naiintindihan mo ba yung ibig kong sabihin. may mga ganito talgang mga tao, minsan nga ito nyung mga taong hindi mo inaakalang papasok sa top pero mali, para kang sinuntok ni Goliath ng labing limang beses.
-to be cont.
F R I E N D S
Friday, October 21, 2011
Sunday, October 16, 2011
Chapter 3: Mabigat na feeling (10/16/2011) 9:33PM
Hindi na bago sa atin bilang tao na magkaron ng mabigat na feeling sa ating sarili o sa ibang tao. Ito kasi yung feeling na parang ang hirap mag isip, mahirap mag trabaho, at mahirap kumilos at iba pa. hindi ito yung mabigat na feeling na dahil mataba ka, ang ibig kong sabihin na mabigat na feeling dito ay yung sa ating damdamin. Sa totoo lang malimit itong mangyari sa akin, malimit na biglang sasama ang mood ko bakit? Minsan pag alam kong galit sa akin ang isang tao, hindi ako mapapakali bigla na lang akong madodown, oo hindi ako nag bibiro. Ganon ako, ewan ko lang kasi ayaw na ayaw ko talagang may galit sa akin, gusto ko "all is well"
Mahirap mag isip sa tuwing ganito ang nararamdaman mo, hindi ka makapag focus, yung tipong gusto mo kausapin yung tao pero hindi mo magawa, gusto mong pigilan siya pero hindi mo magawa dahil wala ka namang karapatan. Sapagkat tao lang yan mayroon siyang karapatan na mabuhay na malaya. Malimit itong mangyari sa mga magkakaibigan yung iwanan, syempre nag sama-sama na kayo na akala ninyo ng forever na ang friendship ninyo very close pero minsan may mga pagkakataon talagang kailangan lumisan ng isa o ng iba. Maraming rason kung bakit ito nangyayari minsan isa na dito ung mabigat na feeling, hindi na niya kaya sapagkat siya ay nasasakal na, para yung feeling na nakagapos na siya na hindi na siya masyadong makalipad hindi na siya malaya.

For example, syempre "barkada" nga kayo diba syempre kung saan yung isa dun na lahat, tambay, kain at kung ano ano pa ang usually na ginagawa ng magbabarakada.
To be CONTINUED
To be CONTINUED
CHAPTER 2: Pagpapatawad (10/15/2011 10:13AM)
At ngayon nanunuod ako ng DZZM 630 pinag uusapan nila yoong issue tungkol sa pag libing kay marcos sa libingan ng mga bayani. Pinag uusapan nila ang issue na kung tama ba ang desisyon ng ating mahal na pangulo [Noynoy Aquino], kung tama ba pagkatapos ng hinaba haba ng panahon, tama ba ang kaniyang naging pasya na hindi bigyan ng full military honors si Marcos.
Kung kayo ang tatanungin ko tama ba ang kaniyang naging pasya? Sa tingin mo kung ilulugar mo ang sarili mo kay marcos ano kaya ang mararamdaman mo, ilugar mo ang sarili mo bilang asawa niya [Imelda] o ilugar mo ang sarili mo bilang kaniyang mga anak ano kaya ang mararamdaman mo? o anu pa kaya ang iyong ipaglalaban?. Kung di naman kaya ilugar mo ang sarili mo sa sapatos ng ating presidente [Noynoy], ano kaya ang uunahin mo sarili o bayan, bilang isang biktima rin ng kalupitan ng Marshall Law. O di naman kaya ilugar mo ang sarili mo bilang isang biktima ng Marshall Law,na kung saan ay araming pamilya ang nawalay, na kung saan maraming buhay ang kinitil, at maraming Human Rights Violation ang nalabag.
Bilang Marcos, sa kabilang banda siya[Marcos] ay naging isang magaling na sundalo ng Pilipinas, naging isang magaling ng estudyante, isang top notcher [unang pwesto sa lahat nang kumuha ng board exam], at hingit sa lahat pinatunayan niyang kayang kaya niyang maging isang Presidente at patakbuhin at akayin ang Pilipinas. Marahil ay hindi nyo alam maraming nagawang pagbabago sa Pilipinas si Marcos. Maraming na ipatayong infrastructure, ilan na dito ang Cultural Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Folks Art Theatre, San Juanico Bridge at irrigasyon sa kung saang lupalop ng Pilipinas. Kung sa tutuusin maraming na iambag si Marcos sa ating Bansa. Ngunit TAO LANG SIYA, nabulag sa kapangyarihan, kaya nga nag deklara ng Marshall Law sa Pilipinas. Na kung saan marami ang naparusan bawal mag salita ng taliwas sa gobyerno, at maraming buhay ang pinatay.
Bilang Pangulo, ang ating bagong Pangulong Noynoy ay biktima rin ng Marshall Law. Namatay ang kaniyang ama na magaling na Senador na si Ninoy Aquino. Dahil doon nabuhay ang pulso ng mga Pilipino na lumaban sa Gobyerno, nagkaroon ng Snap Election na dinaya, at ayun builang isang demokrasyang bansa ang mga pilipino ay lumaban, ito ang EDSA People Power 1. sabi nga “The president can forgive but the state cannot” Oo tama ito bakit? tao lang sin ang ating pangulo kaya niyang mag patawad, ang Diyos nga nagpapatawad ang ating pangulo pa kaya, pero oo nga’t ang ating pagulo at kayang magpatawad, paano naman ang bansa na naging biktima. Si Noynoy ay hindi nag dedesisyon para sa sarili niya lamang nag dedesisyon siya para sa nakararami. Bilang isang pangulo ito ang kaniyang obligasyon sa bansa.
TAO LANG SILA AT TAO LANG TAYO.

Chapter 1: Ang Buhay Baw (10/11/1111:47PM)
Sa buhay natin estudyante mayroon dalawang uri kung paano ka nabuhay. Una Ang buhay santo o ang buhay na walang kang pinoproblema. Pangalawa ang buhay Rock en roll. teka ano nga ba ang mga eto? Una ang buhay santo.
Bakit ko nga ba natawag na buhay santo? ano nga ba unang pumapasok sa ating utak kapag tayo ay nakakarinig ng salitang santo? mabait, namatay para sa nakararami at dahil sa pananampalataya, nag mimilagro, O nabuhay ng walang kasalanan sa mundo. Oo iyan ang ilan naka dikit na sa pangalang santo. kaya kapag tinawah ka na isa kang santo, marahil itoy nangangahulugan na ikaw ay mabait o para kang santo na ayaw magkasala. Patang ganito: sa araw araw na gawa mo iniisip mo na makagawa ng mabuti.
Yung tipong gusto mo pakainin lahat ng batang lansangan sa tabi tabi mula fairview hangang taft, o mula Babuyan island hangang sa Sulu. Yung gusto mong gawin yung ginagawa ni KorinaSanchez, umiikot sa buong pilipinas upang makapagbigay lamang ng libreng tsinelas sa mga batang ang tsinelas ay wala ng silbi sapagkat katiting na lang ng paa ang napoprotektahan nito. Pero pwede rin namang ang buhay estudyanteng ganito ay pwede nating ihambing sa isang estudyanteng masunurin sa magulang, Mabait, at higit sa lahat wala kang masasabi tungkol sa kanila.
Gusto nilang sundin kung ano man ang sinasabi ng kanilang magulang, gusto nilang gawin ang nararapat para sila ay maging kapakipakinabang sa buhay. Gusto nilang maging Propesyunal at makapag trabaho, para matulungan at sila nanaman ang hahabi sa kanilang mga magulang siula na ang mag aalaga para sa kanila. Wala ka ring masyadong pinoproblema kung ganito ang buhay mo bakit? Magandang halimbawa nito ay sa mga proyekto. Dahil mabait ka gagawin mo na ang Prokect mo ng mas maaga, gagawa ka lang ng paraan upang matapos mo ang proyektong iyong gagawin sa mahabang oras. Mahaba ang preparasyon. wala ka rin masyadong pinoproblema sapagkat wala ka namang kaaway at wala rin amna mang aaway sa iyo.
Pangalawang buhay estudyante: Ang Buhay Rock en roll. Bakit buhay Rak enroll, pwede rin natin itong tawaging buhay “GO WITH THE FLOW” lang. Bakit Buhay Go with the flow? ikaw iyong yung estudyanteng si lang go ka lang ng go. Kahit medyo hindi mo na alam ang iyong pinaggawa gawa ka lang ng gawa.
Gawa ka lang ng gawa ng projects, assignments, at tipong ung quiz kulang na lang ay hulaan mo lahat. Rak en roll kung tawagin, dahil parang sa tuwing papasok ka sige Rak lang bahala na sa Lourd sa akin. Di mo ka masyadong na momroblema sa iyong mga grado “Basta makapasa lang, okay na ako” bata mga seventy five ka o singko na grado okay ka na. habang ung ibang mga grade concious nakakuha ng nga ng 96 na grado ee hindi pa kuntento galaiting galaiti pa sila sa nakuha nila bakit hindi nila isinagot iyon sa maling numero nila. yung habang sinasagutan daw nila ang numerong malai sila ay nasa dulo na raw ng kanilang dila ang kanilang mga sagot.
Rak en Roll ang buhay mo kung mahilig ka sa tinatawag nilang CRAMMING, sino bang college student hindi alam ang salitang ito Cramming. Rak lang kung rak Cramming lang kung cramming dahil sa cramming rak en roll. Eto yung mga araw na isang araw ka lang na gagawa ng iyong proyekto na ibinigay nineteen kopoing kopong lang ng propessor mo ngunit bago mo lang naisip ng sabihin na deadline na bukas. Ayan ayan nag sisimula na ang rak rakan type dito type dun, gawa dito gawa dun, copy paste dito coppy paste dun at higit sa lahat google dito google dun. hating gabi na at hindi pa rin natutulog kasi kailangan tapusin ang iyong proyekto. idadaan sa Kape, nakaka sampung baso ka na ng kape nanginginig na ang bu mong katawan higop pa rin ng higop ng kape para lawng maibsan ang pagkaka antok.
Kung hindi makuha sa sandamakmak na kapehan, iinom ng energy drink, Cobra redubull at iba pa. para lang maging hyper. madaling araw na di ka pa rin natutulog, hangang pumasok ka ng walang tulog. maipasa mo lang. Ngunit habang nag didiscuss ang propesor, ayan lepong tulog head bang head bang. Gagawa ng paraan para hindi magawa ng paraan para hindi mapansin at tulugan ang subject.
o diba? tama naman diba? magkaaminan na tayo?
PS: Bato Bato sa Langit tamaan wag magalit.

Subscribe to:
Comments (Atom)